Monday, December 1, 2014

Ang Alamat ng Ampalaya

       

 "Ang Alamat ng Ampalaya"


          Noong araw, sa bayan ng Sariwa naninirahan ang lahat ng uri ng gulay na may kanya-kanyang kagandahang taglay.

          Si Kalabasa na may kakaibang tamis, si Kamatis na may asim at malasutlang kutis, si Luya na may anghang, si Labanos na sobra ang kaputian, si Talong na may lilang balat, luntiang pisngi ni Mustasa, si Singkamas na may kakaibang lutong na taglay, si Sibuyas na ma manipis na balat, at si Patola na may gaspang na kaakit-akit.

          Subalit may isang gulay na umusbong na kakaiba ang anyo, siya si Ampalaya na may maputlang maputlang kulay, at ang kanyang lasang taglay ay di maipaliwanag.

          Araw araw, walang ginawa si Ampalaya kung hindi ikumpara ang kanyan itsura at lasa sa kapwa niya gulay, at dahil dito ay nagbalak siya ng masama sa kapwa niyang mga gulay.
Nang sumapit ang gabi kinuha ni Ampalaya ang lahat ng magagandang katangian ng mga gulay at kanyang isinuot.

          Tuwang tuwa si Ampalaya dahil ang dating gulay na hindi pinapansin ngayon ay pinagkakaguluhan. Ngunit walang lihim na hidi nabubunyag nagtipon tipon ang mga gulay na kanyang ninakawan.

          Napagkasunduan nilang sundan ang gulay na may gandang kakaiba, at laking gulat nila ng makita nilang hinuhubad nito isa-isa ang mga katangian na kanilang taglay, nanlaki ang kanilang mga mata ng tumambad sa kanila si Ampalaya.

          Nagalit ang mga gulay at kanilang iniharap si Ampalaya sa diwata ng lupain, isinumbong nila ang ginawang pagnanakaw ni Ampalya. Dahil dito nagalit ang diwata at lahat ng magagandang katangian na kinuha sa mga kapwa niya gulay.

          Laking tuwa ni Ampalaya dahil inisip niya na iyon lamang pala ang kabayaran sa ginawa niyang kasalanan. Ngunit makalipas ang ilang sandali ay nag iba ang kanyang anyo.

          Ang balat niya ay kumulubot dahil ang kinis at gaspang na taglay ni upo at kamatis ay nag-away sa loob ng kanyang katawan maging ang mga ibat-ibang lasa ng gulay ay naghatid ng di magandang panlasa sa kanya at pait ang idinulot nito, at ang kanyang kulay ay naging madilim.

Alamat ng Atis





"Ang Alamat ng Atis"

          Noong unang panahon may isang maliit na bayan na malayo sa syudad ay may iilan na pamilya ang nakatira. Masaya at masaganang na naninirahan ang mga tao dito nagtutulungan at nagbibigayan din sila, kung tutousin perpekto ang bayang ito.

         Kabilang na dito ang pamilya ni mang Pedro at aling Rosa at ang nag-iisa nilang anak na si Ana na 9 taong gulang. Buwan ngayon ng pag-aani kaya si mang Pedro at ang iba pang mga kalakihan ay nagtungo sa bukod para anihin ang mga pananim nila. Tuwang tuwa ang mga tao dahil magaganda ang kanilang ani.

         Nakasanayan na ng mga tao ang iimbak ang mga ani nila sa bahay imbakan na nakatayo malapit sa palayan ng bayan nila, naguuwi lang sila ng konti sa bahay nila upang merong mapagsaluhan. Sina aling Rosa naman at Ana ay nag tungo sa ilog upang maglaba, masasabi mong malinis ang ilog dahil makikita mo ang malilinis na bato sa ilalim ng tubig makikita mo din ang ibat-ibang uri ng isda, 
hipon katang atbp. Habang nglalaba si aling Rosa at iba pang may-bahay ay masayang nalalaro at naliligo ang mga bata.

       Ilang buwan ang lumipas ay may dumating na malakas na bagyo at sobrang na apektuhan ang kanilang mga pananim, buti na lang at meron silang naimpok na pagkain sa bahay imbakan nila napagsyahan nilang ang kalahit ng na-iimpok nila dahil hindi nila mapapakinabangan sapagkat kulang sa buwan ang mga ito.
Hindi pa nakakabawi ang bayan nila mula sa pagsalanta ng bagyo ay pineste ang mga pananim nila at dahil dito ay nabawasan ulit ang kanilang inimpok na pagkain. Pero mas nahirapan sila Aling Rosa ng magkasakit si Mang Pedro, inutusan ni Aling Rosa si Ana Napumunta kay Aling Edna upang humingi ng tulong.

         Agad naman na ngpunta si Aling Edna sa bahay nila na daladala ang parte nila sa napaghatian na gulay at bigas. Ngunit na pansin ni Aling Rosa na wala si Ana, tinanong nya sa babaeng kaharap nya kung nasan si Ana ngunit hindi daw nya kasama ang bata papunta dito dahil nagpaalam ang bata na may pupuntahan.
Ilang oras na ang nakalipas ngunit hindi pa nauwi ang batang si Ana, nagpatulong na si Aling Rosa sa mga kapit-bahay na hanapin si Ana.

           Ilang linggo na ay hindi pa na hahanap si Ana, isang dilubyo na naman ang dumating sa bayan nila ang matinding init na ikina-tuyo ng mga ilog , batis at palayan namatay ang mga hayop.

        Nagugutom na din ang mga tao sa lugar nila at ang dating mapagbigay na mga tao ay nag-aagawan na. 

       Isang araw ay umuwi si Ana sa kanyang magulang nya. Kitang-kita sa muka ng ina ang pagtataka dahil may dalang basket na puno ng mga gulay at prutas. Agad na kumalat ang balita na may dala si Ana na pagkain, kaya sumugod sila sa bahay ni Aling Rosa. Kahit hindi alam ni aling Rosa kung san nakuha ni Ana ang mga pagkain ay binahagian pa rin nya ang mga taong nagkakagulo sa labas ng bahay nila para magbigyan ng pagkain.

           Kinabukasan ay nag paalam ulit si Ana na aalis pagtungo sa kagubatan, dahil tinawag daw siya ulit ng nagbigay ng pagkain sa kanya.

           Nakarating na si Ana sa gubat at pumasok sa isang kweba at lumabas ng may dalang basket na puno ng ibat-ibang uri ng gulay. Ngunit hindi nya alam na nakasunod ang mga kababayang nyang walang ibang inisip kundi makakuha ng pagkain.

         Sinugod ng mga tao ang kweba at kinuha ang mga pagkain na nasa loob, paglabas nila ng kweba ay may narinig sialng malakas ng iyak na babae at unti-unting nagiba ang kweba.

            Narinig ni Ana ang malakas na pagiyak alam nya kung saan nang galing ang tinig na yun kaya nag madali syang tumongo sa kweba. Sinundan naman sya ng mga magulang niya.

        Nang makarating na si Ana at magulang nya sa gubat ay na gulat na lang sya dahil wala na ang kweba agad na man syang dumapa at umiyak kasbay ng pagiyak nya ay ang pagbuhos na malakas na ulan.

         Lumapit ang mga tao kay Ana at humingi ng tawad sa kanya sa pagiging marahas ng mga ito.

       Pinatawad din man ni Ana ang mga ito. Agad na nagliwanag ang kangitan at may sumibol na punong-kahoy sa ibabaw ng nagibang kweba.

"Ang Punong-kahoy na ito ay tatawagin nating ATIN sapagkat ito ay sa ating lahat!" wika ni Ana.

Lumipas ang mga panahon ay tinawag na itong ATIS!.